Oras na para maghulog sa blessing fund para sa nakaraang buwan ng Pebrero. At ang nakalaang halaga para sa buwan na ito ay ¥3,500. Itabi na din natin ang sukli ng ¥5,000 para sa susunod na buwan ay nakapondo na ito. 10 months to go!
Bilang pagtugon sa 52 Linggo ng Pag-iipon challenge, sinimulan ko na ang pag-iimpok sa pamamagitan ng paghulog ng 100 yen para sa unang linggo at pataas ng 100 yen ulit kada susunod na linggo. Gamit ang mga bagay na makikita sa bahay-bahay natin, tulad ng garapong walang laman, bond paper, printer at sticker, nakagawa na ako ng aking alkansya. At dahil buwanan ang aking sahod, pagsasabayin ko ang hulog kada apat na linngo. Kaya para sa unang buwan ng taon, Enero, 1,000 yen ang aking ihinulog. At kung mabubuo ko ang paghuhulog sa loob ng 52 na linggo, imbes na gamitin ko ang aking maiimpok sa pagbili ng bagong gadyet, nais kong gamitin ito upang mag-bless ng iba. Sana ay makatulong ito upang makapagbigay saya sa iba. 52 Week Money Challenge - ang pag-iimpok ng patuloy na tumataas na halaga sa loob ng 52 linggo. Ito ay unang lumabas sa blog na lifeasyouliveit.blogspot.jp at umikot naman sa Facebook sa tulong ni kuripotpinay.com. Ang ideya ay magsimula sa mababang halaga, halimbawa JPY100 sa unang linggo at kada bawat susunod na linggo ay tumataas ng JPY100: Week 1: JPY100 Week 2: JPY200 Week 3: JPY300 . . Week 50: JPY5,000 Week 51: JPY5,100 Week 52: JPY5,200 Ss loob ng 52 weeks ay may maiipon kang JPY137,800! Hindi masama para sa paunti-uniting pag-iipon. At upang maging madali ang pagtanda kung ilan ang dapat ihulog sa alkansya, maaari kang gumawa ng listahan, ipaskil sa alkansya at markahan kung anong linggo na ang nahulugan. At sa halagang maiipon, maaari mo itong gamitin sa pagbili ng bagong gadyet o bagay na gusto mong bilhin. Bakit hindi mo subukan, kabayan! |