52 Week Money Challenge - ang pag-iimpok ng patuloy na tumataas na halaga sa loob ng 52 linggo. Ito ay unang lumabas sa blog na lifeasyouliveit.blogspot.jp at umikot naman sa Facebook sa tulong ni kuripotpinay.com.
Ang ideya ay magsimula sa mababang halaga, halimbawa JPY100 sa unang linggo at kada bawat susunod na linggo ay tumataas ng JPY100:
Week 1: JPY100
Week 2: JPY200
Week 3: JPY300
.
.
Week 50: JPY5,000
Week 51: JPY5,100
Week 52: JPY5,200
Ss loob ng 52 weeks ay may maiipon kang JPY137,800! Hindi masama para sa paunti-uniting pag-iipon.
At upang maging madali ang pagtanda kung ilan ang dapat ihulog sa alkansya, maaari kang gumawa ng listahan, ipaskil sa alkansya at markahan kung anong linggo na ang nahulugan.
At sa halagang maiipon, maaari mo itong gamitin sa pagbili ng bagong gadyet o bagay na gusto mong bilhin.
Bakit hindi mo subukan, kabayan!