Papuntang Kenya galing Japan, kinailangan naming maghintay ng apat na oras sa DOHA international airport. Nung makakita ako ng ATM, sinubukan ko ring gamitin ang aking BPI ATM at "it works!"
Nang ako ay bumisita sa opisina ng aking kaibigan sa Tokyo, nakita ko ang flyer na ito ng Palawan Pawnshop. Nakakabib na ang isang kumpanya mula sa aming lalawigan ay Masayo na ang narating. Isang kumpanyang maasahan din natin na maging daan upang makarating ang ating padalang pera sa ating mga mahal sa buhay. Sinubukan ko ngayong araw ang BPI Express ATM card sa Citibank ATM kung ito ba ay gagana. At, masaya akong ibahagi sa inyo na gumagana ito kung kayat maaari tayong mag-withdraw at mag-balance inquiry gamit ang nasabing card. Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa benepisyo ng pagkakaruon ng bank account sa BPI sa Pinas, lalo na para sa atin na naririto sa Japan, balikan po lamang ang ating naunang post tungkol dito. |