Magandang Araw po!
MisyonAng layunin ng Buhay Gaijin ay makapagbigay ng plataporma kung saan tayo bilang mga Pilipinong naninirahan sa Japan ay mapalago ang ang ating kaalaman sa buhay, personal finance, investment at iba pa. Gahin nating kaiga-igaya ang ating pamamalagi dito sa Japan. Sama-sama nating gawin ang mga mumunting hakbang tungo sa ating personal na pagyabong.
|
IkawIkaw at ang iyong personal na pag-unald ang nais naming bigyang pansin. Hindi biro ang mamuhay sa ibang bansa para mabigyan mo ng maayos na buhay ang iyong pamilya, ang iyong sarili. Kaya naman, kung iyong mamarapatin, nais naming makatulong sa iyo sa mga paksa at aktibidades na ating gagawin dito sa Buhay Gaijin.
|
AkoAko po ang inyong lingkod, Wilfredo Tatlonghari, Jr. Maaari ninyo akong tawagin bilang "Pido." Ako po ay tubong Puerto Princesa City, Palawan at kasalukuyang naninirahan sa Saitama, Japan kapiling ang aking butihin at napaka-gandang may-bahay na si Avic Castillo-Tatlonghari at aming munting prinsesa na si Miki Daniela.
Ako po ay nagtapos ng kursong BS Business Administration and Accountancy mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Ako din po ay pinalad na mabigyan ng pakakataong mag-aral dito sa Japan. Tinapos ko po ang Masters in Business Administration (MBA) mula sa Waseda University. Tampok po ng aking pag-aaral ang Venture Capital at Entrepreneurship. |
Sampung taon na po akong namamalagi dito sa Japan. Ako po ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang Associate Director para sa New Life Ministries, isang organisasyong naglilimbag ng Bibliya sa ibat-ibang wika at iba pang mga babasahing pang-Kristyano. Bago po ako sumali sa organisasyong ito, ako po ay nakapagtrabaho din bilang isang Business Analyst sa isang kumpanya sa Tokyo. Bago po ako nakarating ng Japan, ako po ay naging Accounting and Administration Head para sa isang NGO na naglalayong matulungan ang ating mga kakabaihan sa kanayunan na matututo at makapagsimila ng kanilanga pansariling hanap-buhay.
|
Nagkaruon din po ang inyong lingkod ng pagkakataong makapagturo sa lokal na pamantansan ng Palawan, ang Palawan State University ng mga kursong tumatalakay sa Business Administration, Accounting, Finance, Entrepreneurship at Taxation. Sa Japan, habang tayo ay nag-aaral sa Waseda Univeristy, tayo at nagsubok ding magturo ng wikang Ingles at maging isang Business Trainer para sa tamang paggawa ng Business Presentation, Negotiation, Meeting at Leadership. Para po sa nagnanais makita ang aking professional profile, maaari ninyong bisitahin ang aking LinkedIn page: http://www.linkedin.com/in/wtatlonghari
|