Welcome to Japan, Mr. Chink Positive!
Ito ay ang ikalawa at huling bahagi ng naipahayag na artikulo na mayroong parehong pamagat sa seksyong Komunidad ng Daloy Kayumanngi, March 2014. Kung nais ninyong makatanggap ng kopya ng nasabing pahayagan, maari lamang pong bisitahin ang kanilang website sa http://www.daloykayumanggi.com/recent-issue Bilang panimula, tayo ay nabigyan ng pagkakataong [si Chinkee] ay makapanayam. At sa aking pagtatanong, marami akong aral na napulot dito: Marami tayong haharaping pagsubok sa buhay at sa tulong ng ating pananalig sa Diyos, tayo ay muling makakabangon. Sikapin nating mapabuti ang ating kinalalagyan sa pamamagitan ng pagbabago sa ating pananaw. Palawakin natin ang ating kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro, ng pagdalo sa mga seminar at pakikinig sa mga taong makakatulong sayo upang yumabong ang iyong kaalaman. Para sa kanyang kabuong panayam, maaari ninyo itong basahin sa ibaba.
Pido: In case people aren't familiar with you, would you mind sharing what you do? Chinkee: I am wealth & life coach whose wisdom and strength are drawn from a life full of challenges. Born in Tondo, Manila of Chinese parentage, I am the eldest of three children. After my father experienced big losses in business, I started to realize the importance of perseverance and hard work at a very young age. The crisis brought me to Divisoria where I bought anything that I could peddle to classmates and friends, including toilet papers, to help augment my family income. That was when I discovered the value of savings. It was at this point in my life where I developed my business acumen. In the course of my early start as a budding entrepreneur and the different challenges it presented, my vision in life became crystal clear: to be a very successful entrepreneur who will be at the providing end of earning opportunities for people who need them. The succeeding parts of my life witnessed the realization of this vision as I embarked on various ventures where I always figured out ways to reap good returns. My firm belief is to “just help enough people get what they want and you will also get want you want in life.” I have given talks to retirees, executives, private as well as government employees, students, church leaders, and even out-of-school youth. I have, moreover, helped and coached over 50 people to become millionaires in their businesses. Pido: What made you decide to become a motivational speaker? Did you ever imagine you would be one? Chinkee: Because of the hardships that I experienced when I was young. This inspired me to also encourage and motivate others, to start dreaming and believing – from nothing to something, from depression to inspiration. If it happened to me, it can also happen to them. I never dreamt that I would become one. But I just felt that God allowed me to go through trials and hardships in order to inspire others to just keep on believing and never give up. You can lose everything but never HOPE, because if there is hope tomorrow, there is power today. But when there is no hope tomorrow, there is no power today. Pido: Why are you so passionate about helping others? Chinkee: This is what I really love to do - To inspire, to motivate, to challenge, to push people out of their comfort zones. To make them believe that they have what it takes for them to become successful. People, situation, circumstance can stop you temporarily but only YOU can stop yourself permanently. Helping others to get out of their hopeless situation is my passion -- helping others to become financially free and debt free and helping them to live life to the fullest. Pido: You've worked with various groups and organizations in the Philippines and abroad especially in the area of personal finance, was there ever a season in your life when you worried and failed in this area as well? How did you overcome it? Chinkee: Yes, everyone experience fear in their lives. Some fear of rejection, fear of the unknown, fear of what others might say or even fear of failure. Especially on me end, I do not want to go back where I came from. It is so hard to live without money. When I attended a life changing seminar that said, “what you feed in your mind becomes stronger and what you starve becomes weaker,” I realized that the more I focus on worry and fear, the more it becomes bigger and harder. The reason why fear was so strong and prevalent in my life was because that was what I was thinking and feeding inside my mind. So I discovered that I had to change my mindset and the way I think in order to change the way I live. I started to read books, attend seminars and find mentors who would speak into my life. Then the fear started to change into faith. From being discouraged, I became encouraged -- from depression to inspiration, to start all over again. Pido: You have written quite a number of inspiring books, who is your inspiration in writing all these? Chinkee: Top on the list will be no other than Mr. Francis Kong. He is also an author, writer, motivational speaker. He was the one who challenged and mentored me to write my first book. One thing I like from him is not his eloquence in communication but how Francis really walks the talk. He lives what he preaches. This inspired me to also share what God has done in my life. Pido: Have you worked with OFWs before? What is the most common issue that you assist clients with? Chinkee: Yes, I have worked with OFWs. Sad to say, millions of OFWs are scattered worldwide but they are all experiencing the same issues. One DAY MILLIONAIRE Mentality They have been experiencing so much difficulties and hardships. Once they start earning money, they immediately spend all the money they earn, buying new things like new cell phones, gadgets, LED flat TV screen, clothes and jewelries. It seems like that they want to experience how a rich person feels when they can buy what they want. Savior Mentality Some OFWs feel that they are the messiah of their family. So, it is only one feeding the whole barangay. In the process, their life gets harder since most of their family and relatives are dependent on one person’s income. Pasalubong Mentality Everytime when they come home, the end up broke again. Some felt the pressure to bring their friends and relatives gifts when they come back for vacation. There are some who avoid coming home since their friends and relatives are expecting the gifts rather the gift giver. Pido: You have been a successful motivational speaker as well as a best selling author, what else would you like to do in the future? How else do you want to help other people? Chinkee: I would want to continue to do what God has started with me. God willing that I will be able to bring my message not only to our kababayans but also to other nationalities. I believe the message of faith and hope should be shared to everyone, in spite of your financial status or race. I want to continue to write, speak and also do online mentoring programs in order to reach more people. Sana ay napulutan ninyo ng aral ang ating panayam. Higit na marami pa tayong matututunan kung tayo ay makakadalo sa kanyang pagsasalita sa ika-22 ng Marso. Ipagpatuloy natin ang ating pagtuklas ng bagong talino sa paghawak ng ating kabuhayan. Hanggang sa muli! Ito ay ang unang bahagi ng naipahayag na artikulo na mayroong parehong pamagat sa seksyong Komunidad ng Daloy Kayumanngi, March 2014. Kung nais nyong makatanggap ng kopya ng nasabing pahayagan, maari lamang pong bisitahin ang kanilang website sa http://www.daloykayumanggi.com/recent-issue 20 years. Yan ang kabuong taong inilagi ko sa paaralan. Marami ang nagtatanong kung hindi daw ba ako napagod sa haba ng inilagi ko dito. Isang maikling sagot lamang ang palagi kong nasasabi, “Hindi naman.” Ngunit sa aking pagmumuni-muni, ang mag-aral ang isa sa mga bagay na talaga namang gustung-gusto kong gawin. Para sa akin, ito ay isang mapagpalayang gawain. Sa panahon natin ngayon na maraming bagay ang patuloy na nagbabago, kung nais nating hindi matangay sa agos ng buhay bagkus pagwagihan ito, kailangang nating ipagpatuloy ang paghasa ng ating talino. Sa aspeto nang tamang paghawak ng ating kabuhayan, ito ay hindi madaling gawin. Hindi lahat sa atin ay nabiyayaan ng natural talino para dito. Subalit hindi ibig sabihin nito na ang kakayahang ito ay kailan man ay hindi natin makakamtan. Hindi nating kailangang bumalik sa paaralan. Maari tayong matuto sa iilang mga tao na naging bokasyon ang pagbahagi ng kanilang kaalaman upang magawa din natin ito. Isa sa mga taong ito ay si Chinkee Tan. Nagsimula sa pag-aartista, ngayon siya ay mas kilala bilang isa sa mga matagumpay na wealth coaches natin sa Pilipinas. Naging bokasyon na ni Chinkee ang tumulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pananalita tungkol sa tatlong bagay: paano gumawa ng yaman, paano papalaguin ito, at higit sa lahat, paano ang tamang paghawak upang mapanatili ito. Ang kanyang unang libro, “Till Debt Do Us Part” ay bumenta ng higit kumulang sa 60,000 na kopya sa buong Pilipinas. Nasundan pa ito ng tatlong libro: “For Richer For Poorer,” “Rich God Poor God,” at “How I made My First Million in Direct Selling and How You can Too!” Siya ay nagsusulat din sa ilang piling pahayagan at kasalukuyang may programa sa radio, ang “Chink Positive” sa 92.3 NewsFM. Ang kagalingan ni Chinkee ay nabubukod tangi dahil sa kanyang kakayahang pagsamahin ang pagtuturo at ang pagbibigay saya habang ginagawa ito. Kung kaya’t siya ay binansagang ‘Edu-tainer.” At isang magandang balita! Si Chinkee ay darating dito sa atin sa Japan upang magbigay sigla, at higit sa lahat, magturo ng kanyang nalaman. Walang bayad ang napakagandang oportunidad na ito, regalo sa atin ng Alveo, isang Ayala Land Company. Ang detalye ay ang mga sumusunod: What: 4 Things You Need to Do to Create Lasting Wealth When: 22 March 2014 (Sabado) 2-4PM (unang sesyon) 4-6PM (pangalawang sesyon) Where: 8F Shibuya T’s Flag, 33-6 Udagawa-machi, Shibuya, Tokyo Kayo ay malugod naming inaanyayahang dumalo. Mag-email lamang sa [email protected] o tumawag sa 090-9103-8719, upang magpareserba ng puwesto. At huwag din kalimutang magdala ng kopya ng Daloy Kayumanggi upang makakuha ng regalo mula sa Alveo/Ayala at Daloy Kayumanggi. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang event section ng ating website: www.buhaygaijin.weebly.com.
Sa panahon natin ngayon na maraming bagay ang patuloy na nagbabago, kung nais nating hindi matangay sa agos ng buhay bagkus pagwagihan ito, kailangang nating ipagpatuloy ang paghasa ng ating talino. At isang magandang balita! Si Chinkee ay darating dito sa atin sa Japan upang magbigay sigla, at higit sa lahat, magturo ng kanyang nalaman nang walang bayad. Ang napakagandang oportunidad na ito ay magaganap sa tulong ng Alveo, isang Ayala Land Company. Ang detalye ay ang mga sumusunod: I-check lamang ang mapa para matiyak kung papaano pumunta sa venue. Sama-sama tayong matuto at sumaya! Oras na para maghulog sa blessing fund para sa nakaraang buwan ng Pebrero. At ang nakalaang halaga para sa buwan na ito ay ¥3,500. Itabi na din natin ang sukli ng ¥5,000 para sa susunod na buwan ay nakapondo na ito. 10 months to go! Papuntang Kenya galing Japan, kinailangan naming maghintay ng apat na oras sa DOHA international airport. Nung makakita ako ng ATM, sinubukan ko ring gamitin ang aking BPI ATM at "it works!" Nang ako ay bumisita sa opisina ng aking kaibigan sa Tokyo, nakita ko ang flyer na ito ng Palawan Pawnshop. Nakakabib na ang isang kumpanya mula sa aming lalawigan ay Masayo na ang narating. Isang kumpanyang maasahan din natin na maging daan upang makarating ang ating padalang pera sa ating mga mahal sa buhay. Sinubukan ko ngayong araw ang BPI Express ATM card sa Citibank ATM kung ito ba ay gagana. At, masaya akong ibahagi sa inyo na gumagana ito kung kayat maaari tayong mag-withdraw at mag-balance inquiry gamit ang nasabing card. Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa benepisyo ng pagkakaruon ng bank account sa BPI sa Pinas, lalo na para sa atin na naririto sa Japan, balikan po lamang ang ating naunang post tungkol dito. Bilang pagtugon sa 52 Linggo ng Pag-iipon challenge, sinimulan ko na ang pag-iimpok sa pamamagitan ng paghulog ng 100 yen para sa unang linggo at pataas ng 100 yen ulit kada susunod na linggo. Gamit ang mga bagay na makikita sa bahay-bahay natin, tulad ng garapong walang laman, bond paper, printer at sticker, nakagawa na ako ng aking alkansya. At dahil buwanan ang aking sahod, pagsasabayin ko ang hulog kada apat na linngo. Kaya para sa unang buwan ng taon, Enero, 1,000 yen ang aking ihinulog. At kung mabubuo ko ang paghuhulog sa loob ng 52 na linggo, imbes na gamitin ko ang aking maiimpok sa pagbili ng bagong gadyet, nais kong gamitin ito upang mag-bless ng iba. Sana ay makatulong ito upang makapagbigay saya sa iba. Ang artikulong ito ay naipahayag sa seksyong Komunidad ng Daloy Kayumanngi, vol.3 Issue 32 February 2014. Kung nais nyong makatanggap ng kopya ng nasabing pahayagan, maari lamang pong bisitahin ang kanilang website sa http://www.daloykayumanggi.com/recent-issue Napakaraming bangko sa Japan. Kung kaya’t ang pagpili sa kung anong bangko ang babagay sa iyo ay dapat napakadali. Subalit sa totoong buhay, minsan ito ay isang napaka-challenging na gawain. Unang-una, kailangan mong ipakita na ikaw ay may kaukulang visa upang manirahan ng legal sa Japan. Pangalawa, kailangang maalam ka ng kaunting Hapon dahil karamihan sa mga bangko ay walang empleyadong marunong magsalita ng Ingles. At pangatlo, dapat ay mayroon kang magagamit na “hangko” o personal seal bilang personal na lagda dahil marami sa mga bangko ngayon ang hindi na pumapayag na paglagda ang iyong gagawin upang maging tanda kung ikaw ba ang tunay na may-ari ng account. At dahil sa karamihan sa ating mga Pinoy na naririto ay mangangailangang magpadala ng pera sa Pilipinas sa ibat-ibang kadahilan, dagdag pang konsiderasyon ito sa pagpili ng tamang bangko. At bago ko ibahagi sa inyo ang aking opinyon tungkol dito, nais ko sanang magpasintabi na ito ay base sa aking personal na karanasan. Ito ay hindi isang endorsements ng mga bangkong isusulat ko dito. At ang pagtangkilik sa kanila ay mananatiling inyong personal na pagdedesisyonan. Bagama’t nakapagbukas na ako ng bank account sa ilang bangko dito sa Japan, ang isang bangko na talaga namang naging sakto sa aking mga pangangailangan ay ang Shinsei Bank. Ayon sa Wikipedia, ang Shinsei Bank ay isang kabushiki-gaisha (o isang korporasyon) na kasalukuyang kinakalakal sa Tokyo Stock Exchange. Ito ay ang pumalit sa tinatawag noong Long-Term Credit Bank of Japan, matapos ang huli ay magsara dahil sa pagbagsak ng presyo ng mga real property noong 1989. Ang LTCB ay muling binigyang buhay bilang Shinsei Bank noong 2000, sa tulong ng bagong pamunuan. Ito ang kauna-unahang bangko sa Japan na sumailalim sa pamumuno ng banyagang liderato. Ang Shinsei bank ay kakaiba sa karamihan ng bangko dito sa Japan dahil sa bukod tangi nitong serbisyo na parte ng tinatawag nitong “PowerFlex” savings account. Karamihan sa mga bangko sa Japan ay may bayad ang paggamit ng ATM sa labas ng kanilang tinatawag na “free usage time.” Subalit sa Shinsei, makakagamit ka ng ATM service nila ng libre 24/7 sa lahat ng Shinsei Bank ATMs, kasama ang kanilang mga partner ATMs at bangko gaya ng Seven Bank, Lawson, E-Net, View Alte, Japan Post Bank, Aozora Bank at Shoko Chukin Bank. Sa ilang piling sangay ng Shinsei, bukas ang kanilang tanggapan nang hanggang alas-siyete ng gabi, kumpara sa iba na nagsasara ng alas-tres. At kasama ng iyong basic account, maaari karing makapag-invest o deposito sa ibang currency gaya ng US dollar, British Pounds at iba pa. Para sa mga foreign residents dito sa Japan gaya natin, malaking tulong na mayroon silang English website, kasama ang pagkakaruon din nila ng online banking at telephone support sa wikang Ingles. Hindi rin sila nangangailangan ng personal seal sa pagbubukas ng account. At, nakakapag-issue sila ng cash card sa araw mismo kung kailan ka nagbukas ng account, kung ikaw ay may dalang litrato. At dahil supported ang kanilang website sa wikang Ingles, maaari ka ring magbukas ng account online. At para sa akin, dahil sa kanilang online banking na nasa wikang Ingles, naging napakadali ng pagpapadala ng pera sa atin sa Pilipinas. Inirehistro ko ang Mizuho bank account na inilaan ng PNB Tokyo sa aking online Shinsei Bank account, kung kaya’t nagagawa kong maglipat ng pera sa PNB Tokyo nang anumang oras at higit sa lahat, nang libre. Sa pagrerehistro ng Mizuo Bank account, dahil mangangailangan itong i-input sa katakana, maari kayang humingi ng tulong sa staff ng bangko upang gawin ito. Hindi lang yan. Tuwing umuuwi ako ng Pilipinas, kung saka-sakaling kakailanganin ko ng karagdagang pera, ako ay nakakapag-withdraw gamit ang aking Shinsei Bank cash card mula sa ilang piling bangko sa atin gaya ng CitiBank at Standard Chartered Bank nang ayon sa tamang palitan at mababang bank service charge. At and ATM fee na itsa-charge sa Pilipinas ay ibinabalik din sa aking account.
Kung kaya’t talaga namang sakto para sa isang OFW o Pinoy dito sa Japan ang serbisyo ng Shinsei Bank. At para naman sa bangko sa atin na maaari nating gamitin habang nandito tayo sa Japan, ang Bank of the Philippine Islands ay ang ating maaasahan. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin po lamang ang ating website, www.buhaygaijin.weebly.com. Hanggang sa muli! |